Inilalahad ni Kristo na bilang si Hesus siya ay isang halimbawa ng kung sino ang bawat tao ay maaaring maging.
Inihahayag niya na ang kaniyang Mga Liham ay ang pundasyon para sa susunod na panahon. Ipinaliliwanag niya na ang maling interpretasyon sa Bagong Balita ay nakahahadlang sa paglagong pang ispiritwal.
Ipinagpapatuloy niya ang kwento ng buhay niya sa Lupa. Nililinaw niya ang tunay na kahulugan ng kaniyang misyon na "magligtas" sa sangkatauhan at ang katotohanan tungkol sa kaniyang pagkakapako sa krus.
Pinapaalam niya kung paano niya tinuruan ang mga tao tungkol sa dakilang batas ng pag-aani ng kung ano ang itinanim, kung paano ang mga ugali ay nakalilikha ng mga karamdaman at kung paano mamuhay na may pag-ibig.
